Entertainment
Leave a Comment

Sugod!

sandwich sa up diliman

“Naaalala kita ‘pag umuulan,” banat ni Raimund. Nasa kalagitnaan na siya ng kantang “Sembreak” na ayon sa kanya’y naisulat niya maraming taon na ang nakalilipas.

Ang mga manonood, di magkamayaw kahit umaambon. Pati ang mga titang di makabasag sa pinggan sa unang bahagi ng palatuntunan, biglang nakisali sa rak en rol. Lalo tuloy ginanahan ang mga bagets sa paligid. ‘Yong iba, bigay-todo na sa paghe-head bang. Syempre, marami ring sumabay sa kanta.

Bago ang “Sembreak”, tinugtog din nila ang “Betamax” na swak na swak okasyon lalo na’t sa dulo nito’y ilang beses inuulit ang salitang “padayon”. Naka-Fighting Maroons jacket pa si Raimund, solid!

Sinundan nila iyon ng “Procrastinator”, para bang nang-aasar sa mga kasalukuyan pa ring biktima ng paunang hagupit ng nagbabadyang hell week.

Pati ako, tinamaan sa kanta dahil nagnakaw lang ako ng sandali para makaalis sa araw na iyon. Mayroon pa akong dalawang sanaysay na kailangang ayusin pero pinili kong pumunta sa Pag-Iilaw sa taong iyon sa UP Diliman para makisaya. Ayos lang naman, sigurado akong matatapos ko rin iyon. Gaya nga ng sabi sa kanta, “You can count on me. I’m gonna get it done, get it done.”

“Naaalala kita ‘pag umuulan,” umulit na naman ang koro. Ang saya pa rin ng mga tao. Pagkatapos, bigla-bigla, walang alarm, walang anything, lumakas ang ulan.

Tuloy pa rin naman ang tugtugan, halatang hindi alintana ng mga musikero ang sama ng panahon. Bumilib ang madla sa professionalism ng mga ito. Iyon nga lang, sa pagtatapos ng kanta, biglang dinig na ang di mawaring mga tunog mula sa mga instrumentong gamit ng banda sa pagtugtog. “Nagkaka-ground na sila dahil nababasa,” ito ang sabi nila. Di naman nakapagtataka, lalo’t bumubuhos na talaga ang ulan. At dahil delikado na ring patagalin pa ang tugtugan, nagdesisyon ang mga punong abala sa palatuntunan na paikliin na ito. Isang kanta na lang, tapos uwian na.

Bitin. Sayang. Joke lang, hindi. Sulit na sulit pa rin ang lahat sa kabila ng pangyayari.

Tumugtog ang intro ng “Sugod”. Mga unang nota pa lang, halatang puno na ng puso. Naroon din ang gigil, nakadadala na masyado ng emosyon.

Natapos ang kanta, nagpaalam ang banda at nagpasalamat. Nagpaumanhin din sila sa napaikling tugtugan. Kung di lang talaga umuulan, tuloy sana ang ligaya. Pero ayos lang, may susunod pa. Sa uulitin!

Nagsimulang mag-alisan ang mga tao. Uwian na. Umuulan pa rin, pero ayos lang. Wala na akong di kayang bahakin sa gabing iyon. Nag-uumapaw sa inspirasyon. Sugod lang.

Tapos, pag-uwi, sulat at edit ulit. You can count on me, I’m gonna get it done, get it done.

(Larawan mula sa FB page ng UP Diliman)

Advertisements
This entry was posted in: Entertainment

by

LRT Queen is Mina Deocareza, a superwoman from Quezon City, Philippines. She holds a creative writing degree from UP Diliman and works as a content writer and editor for a several websites and brands. She’s also the editorial director of Sinaya Cup, a local brand of menstrual cups. She tries to live more by owning less.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s